NAHAHARAP sa administrative proceedings ang guro na diumano’y tumawag ng “bruha” at “bobo” sa isang Grade 5 pupil, ayon sa Department of Education.
Ayon kay DepEd Spokesman Michael Poa, zero tolerance ang kagawaran sa mga pang-aabusong gaya na ginawa ng guro.
Sa isang viral post ng netizen na tiyahin ng biktima, isinapubliko nito ang ginawa umanong panglalait ng guro sa kanyang pamangkin sa unang araw ng klase nitong Lunes.
Nakausap na ng DepEd ang mga magulang ng mag-aaral, at tiniyak nito na mahaharap sa disciplinary action ang guro.
“The teacher will be subjected to administrative proceedings in accordance with our rules. The DepEd takes these incidents very seriously,” ayon kay Poa.
Binigyan na rin ng pyschological first aid ang biktima.
“Psychological first aid was immediately given to the learner by trained personnel from the school health section. Psychosocial status of the learner will be monitored,” dagdag pa ni Poa.