INIHAYAG ni Transportation Secretary Jaime Bautista na aprubado na ang pagtataas ng pasahe sa LRT-1 at LRT-2.
Gayunman, hindi pa rin muna ito ipatutupad matapos ang direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na pag-aralan muna ang magiging epekto nito.
Sakaling ipatupad, tataas ang minimum boarding fee para sa dalawang rail line sa P13.29 mula sa P11.
Aabot naman sa P1.21 ang karagdagang singil kada kilometro mula sa kasalukuyang P1.
“The fare increase will enable the two rail lines to improve their services, facilities and technical capabilities. The fare adjustment will help sustain the two commuter rail lines’ affordable mass transport services,” sabi ni Bautista.
Hindi naman sakop ng taas-pasahe ang MRT-3.