BUMABA sa 2.7 milyon ang bilang ng mga Pinoy na nakaranas ng gutom nitong Marso, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Sinabi ng SWS, bumaba ng 300,000 ang bilang ng mga taong nakaranas ng kagutuman mula sa dating 3 milyon na naitala noong Disyembre 2022.
Idinagdag ng SWS na base sa isinagawang survey mula Marso 26 hanggang Marso 29, lumabas na 9.8 milyon ang mga Pinoy ang nakaranas nang hindi makakain sa nakalipas na tatlong buwan. Mas mababa ito kumpara sa 11.8 porsiyento noong Disyembre 2022 at 11.3 porsiyento o 2.9 milyong pamilya noong noong Oktubre 2022. Mas mataas pa rin ito sa 8.8 porsiyento o 2.1 milyon noong Disyembre 2019 o bago ang pandemya.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondent.