SWS: Marcos, Duterte trust rating lalo pang bumaba

PATULOY ang pagbaba ng trust rating nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng Stratbase Group.

Sa isinagawang survey mula Enero 17 hanggng 20, nakakuha si Marcos ng 50 percent “much trust” rating habang si Duterte naman ay 49 percent “much trust”.

Base sa resulta ng survey, patuloy ang pagbaba ng trust rating ni Marcos simula noong 2024. Sa tala, nakakuha ito ng 64 percent noong July at bumaba ito sa 57 percent noong Setyembre at 54 noong Disyembre.

Pinakamababang trust rating ang nakuha ni Marcos sa Mindanao, 37 percent, habang 60 percent naman sa Luzon outside Manila at 52 percent naman sa Metro Manila at 44 percent sa Visayas.

Maging si Duterte ay patuloy rin ang pagbaba ng trust rating simula noong Hulyo 2024 na 65 percent. Bumaba ito sa 55 percent noong Setymebre at sinundan ng 52 percent noong Disyembre.

Nakakuha si Duterte ng pinakamataas na rating mula sa Mindanao, 78 percent, na sinundan ng Visayas na 55 percent, Metro Manila 36 percent at 33 percent sa Luzon outside Manila.

May 1,800 katao ang tinanong para sa nasabing survey.