SINALUDUHAN ng publiko ang swimmer na si Bert Justine Narciso na tinawid ang dagat sa pagitan ng Sorsogon at Albay nitong Lunes.
Inabot si Narciso nang siyam na oras at 11 minuto para malangoy ang 27-kilometrong distansya mula sa Brgy. Sta. Cruz, Donsol, Sorsogon patungong Maonon, Ligao City sa Albay hanggang makarating sa Pio Duran Fishport.
Hindi ito ang unang pagsabak ni Narciso sa long-distance swimming. Noong 2022 nilangoy rin niya ang 12 kilometrong distansya mula Sorsogon patungong Albay sa loob lang nang apat na oras.
Sa Facebook, sinabi ng swimmer na nagpapasalamat siya sa Diyos dahil nagawa niya ang inakala niyang hindi niya kaya.
“Today, April 22, 2024, I broke my own personal record by swimming 27.63km in 9 hours, 11 minutes, and 42 seconds, from Sta. Cruz, Donsol, Sorsogon, to Punta Almara in Sitio Tambac, Maonon, Ligao City, ending at Pio Duran Fish Port,” aniya.
“I couldn’t have accomplished this feat with my own knowledge and strength; it was all because of the LORD, who sustains me in every aspect of my life. GLORY TO YOU, JESUS!🙏” dagdag niya.