ILANG katao ang sugatan matapos salpukin ng isang itim na SUV ang departure entrance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 Linggo ng umaga.
Sa isang kalatas, kinumpirma ng New NAIA Infra, Corp, (NNIC) ang nasabing insidente at sinabi na base sa inisyal na ulat na ang pagsalpok ay nangyari sa outer railing at walkway na malapit sa terminal entrance.
Ayon pa sa ahensya, na ang mga nasugatan ay agad na nilapatan ng lunas.
Samantala, ang driver ng itim na SUV ay hawak na rin ng pulisya.
Limitado pansamantala ang access sa terminal 1 sa mga otorisadong personnel ng ahensiya, PNP at MIAA security na kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon.
“The area has since been secured, and access is now limited to authorized personnel from New NAIA Infra Corp. (NNIC), the Philippine National Police (PNP), and MIAA Security, who are currently conducting a full investigation,” ayon sa NNIC.
“At this time, we are awaiting official confirmation on the cause of the incident and reports of injuries. We are closely coordinating with all concerned agencies to gather accurate information,” dagdag pa nito.
Inabisuhan din ng NNIC ang publiko na antabayanan ang mga opisyal na ulat na may kinalaman sa insidente.
Nagdulot naman ng matinding trapiko sa lugar dahil sa nangyari.