NAG-negatibo sa alcohol at droga ang driver ng SUV sa NAIA Terminal 1 tragedy na kumitil ng dalawa katao, kabilang ang isang 4-anyos na batang babae at pagkasugat ng apat iba pa nitong Linggo.
“Following his arrest, the suspect underwent a series of tests and medical evaluations. Both his alcohol and drug tests yielded negative results,” ayon sa Philippine National Police Aviation Security Group (PNP AVSEGROUP) ngayong Martes.
Matapos ang malagim na insidente nitong Linggo sa departure entrance ng NAIA Terminal 1, madaling inaresto ang driver ng SUV at isinailalim ito sa iba’t ibang klaseng test,
Isinailalim na rin ang suspep sa virtual inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office para sa mga reklamong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at damage to property.
Samantala, sinabi naman ng AVSEGROUP na base sa medico-legal, nasawi ang 29-anyos na biktima dahil sa “blunt force trauma to the head and spinal cord,” habang ang 4-anyos na bata ay bunsod sa “blunt force trauma to the head and left lower extremities.”
Kasalukuyang nakadetine ngayon ang suspek sa AVSEGROUP’s mobile patrol security unit detention facility.