IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang hiling ng Sonshine Media Network International (SMNI) na ihinto ang 30-araw na suspensyon na ipinataw sa network ng National Telecommunications Commission (NTC).
Sa resolusyon na inilabas ng CA nitong Huwebes, Enero 4, 2023. Hindi pinayagan ng korte ang hiling ng Temporary Restraining Order na isinampa ng network laban sa NTC noong Disyembre 29.
Noong Disyembre 21 nang magalabas ng suspension order ang NTC laban sa SMNI bunsod ng di umano’y mga paglabag nito sa kanyang prangkisa. Isang show cause order din ang inilabas na nag-aatas sa SMNI na magpaliwanag kung bakit hindi ito dapat humarap sa isang administrative case.
Abangan bukas ang mas detalyadong ulat ng Pinoy Publiko.