LALONG dumami ang bilang ng mga Pinoy na nakararanas ng gutom, ayon sa survey ng Social Weather Station.
Sa isianagawang survey mula Marso 15 hanggang 20, nasa 27.2 porsyento 0 7.5 milyong pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger o nagutom o nakaranas nang hindi kumain kahit isang beses sa loob ng nakalipas na tatlong buwan.
Ito ang pinakamataas na naitala simula noong Setyembre 2020 sa gitna ng Covid-19 pandemic na nasa 30.7 porsyenteo.
Mas mataas din ito ng 7 porsyento kumpara sa 2024 annual hunger average na 20.2 porsyento.
Noong Enero at Pebrero nasa 15.9 at 21.2 porsyento naman ang tala ng mga gutom na Pinoy sa bansa.
Pinakamaraming nakaranas ng gutom sa Visaya na nasa 33.7 porsyento, na sinundan naman ng Metro Manila (28.3%), Mindanao (27.3 %) at Luzon sa labas ng Metro Manila (24%).
Sa ginawang survey, tinanong ang 1,800 katao na may sampling error margin of plus-or-minus 2.31 percent para sa national percentages.