NAGPALABAS ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tsunami warning minuto matapos yanigin ng malakas na 6.9 magnitude na lindol ang Surigao del Sur alas 10:37 ng gabi, Sabado, Disyembre 2, 2023.
Inaasahan na ang unang tsunami wave ay sa pagitan ng alas 10:37 p.m. hanggang 11:59 p.m. ngayong Sabado.
Naitala ang pagyanig 42 kilometers northeast off the coast ng Hinatuan, Surigao del Sur. May lalim itong 8 kilometro at tectonic ang origin.
Naramdaman ang Intensity V sa Bislig City sa Surigao del Sur atCabadbaran City sa Agusan del Norte.
Pinapayuhan ang mga residente na malapit sa mga baybayin na madaliang lumikas lalo pa’t posibleng tumagal ng ilang oras ang tsunami.