3 patay sa pagsabog sa Mindanao State University

Tatlo ang nasawi habang maraming iba pa ang nasugtana matapos sumambulat ang isang explosive device sa loob ng Mindanao State University sa Marawi City Linggo ng umaga.

Kasalukuyang nagmimisa sa loob ng Dimaporo gymnasium sa loob ng main campus ng unibersidad nang maganap ang pagsabog alas 7:30 ng umaga.

Tatlo agad ang nasawi sa insidente habang isinugod naman sa ospital ang mahigit sa 40 katao.

Inaalam pa ng pulisya kung sino o anong grupo ang may kagagawan ng pagpapasabog.

Samantala, kinondena naman ni Governor Mamintal Alonto-Adiong ang insidente na isa umanong “terroristic attack”.