ISANG malakas na lindol na naman ang yumanig sa Surigao del Sur Lunes ng madaling araw.
Magnitude 6.8 ang pag-uga na naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na tumama 63 kilometro silangan-timogsilangan ng Cagwait sa Surigao del Sur, isang araw matapos ang magnitude 7.4 na lindol na yumanig sa lalawigan at mga kalapit lugar nito.
May lalim ang huling lindol ng 10 kilometro na nangyari alas 3:49 ng madaling araw.
Naramdaman ang instrumental intensity IV sa Nabunturan, Davao de Oro, Bislig City sa Surigao del Sur, at Surigao City sa Surigao del Norte.
Intensity III naman ang naramdaman sa Cagayan de Oro; Davao City, Davao del Sur; at Cabadbaran City sa Agusan del Norte habang Intensity II naman ang naitala sa bayan ng Argao at Danao City sa Cebu at Ormoc City sa Leyte.