HINDI kailangan mag-panic.
Iyan ang pagtiyak na ginawa ng Department of Trade and Industry nitong Lunes sa harap na rin ng patuloy na kaguluhan sa Ukraine dahil sa pananakop ng Russia.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, tatagal pa ng isa hanggang tatlong buwan depende sa mga produkto ang stocks ng mga pangunahing bilihin, base na rin sa pagtataya ng mga retailers at manufacturers sa bansa.
“We’re looking at the next 3 months bago po mag-epekto ‘yong nangyayari sa Europe dito sa ating bansa kaya sana matapos para hindi tayo talaga maapektuhan, ang presyo natin,” ayon kay Castelo sa briefing.
“We have enough supply, hindi po kailangan mag-panic ng mga tao,” dagdag pa niya.
Inaasahan na bukod sa fuel prices, tataas din ang presyo ng harina dahil sa gera sa Ukraine.
Pitong porsiyento ng oil suplay sa mundo ay nagmumula sa Russia habang 29 porisyento naman ang suplay ng wheat ay galing sa Ukraine.