INIULAT sa pagdinig ng House committee on agriculture na nagkukulang na rin ang suplay ng bawang sa bansa kung saan aabot ng 63,000 metriko tonelada ang inaasahang deficit ngayong taon o kabuuang 167 araw.
Sa datos ng DA, aabot lamang sa 82,950 MT ang kabuuang supply ng bawang sa 2022, kung saan 4,817MT lamang ang lokal na produksyon.
Aabot naman sa 78,132 MT ang inaangkat na bawang, samantalang nangangailangan ang bansa ng kabuuang 146,850 MT sa buong taon.
Pinuna naman ni Quezon Rep. Wilfrido Enverga ang kakulangan ng suplay ng bawang sa bansa.
“We are completely insufficient in the supply of garlic. Do we have intervention to at least ramp up the production of garlic?” komento ni Enverga.
Iginiit naman ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista na gumagawa na ng hakbang ang kagawaran para mapalaki ang produksyon ng bawang.
“That is something they have been working on. We are also looking into the production in Ilocos because that is actually a garlic country, and improvement of the quality of the garlic because when it comes to the institutionalize buyers, they have some specifications,” sabi ni Evangelista.