IPINASKIL at ipinamahagi ng Akbayan Party ang mga wanted posters ni dating presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng inilabas na arrest order sa kanya ng House Quad-Committee.
“Payo namin kay Roque na lumabas na sa pinagtataguan niya at harapin ang house committee. Hindi lang House of Representatives ang tumutugis sa kanya kundi mga mamamayan din,” ani Akbayan Youth Secretary General Khylla Meneses sa Facebook post.
Humingi rin ng tulong sa publiko ang grupo para sa pagtugis kay Roque, na nabigong isumite ang mga dokumento na hinigingi ng komite gaya ng Statement of Assets Liabilities and Net Worth, financial documents ng family corporation niya na Biancham, subsidiary nito na PH2, at ang deed of sale ng 1.8 hectare Paranaque property niya.
“We are calling on our citizens to join efforts to track down Harry Roque. Kung patuloy niyang susuwayin ang kanyang tungkuling sumunod sa sub poena ng House Quad Committee, gagawin namin ang tungkulin namin bilang mamamayan na tumulong sa pagtugis sa POGO lawyer,” dagdag ni Meneses said.