KUMPARA noong mga nagdaang taon, dumami ang nagpakamatay sa Pilipinas noong 2020, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Sa data, umabot sa 3,529 ang nag-suicide noong nakaraang taon kumpara noong 2019 o 25.7 porsyentong pagtaas. Hindi pa kasama rito ang mga Pinoy na nagkitil sa ibang bansa.
Naniniwala ang mga dalubhasa na resulta ito ng depresyon at pangamba sa nakahahawang Covid-19.
Dagdag nila, sa kasalukuyan ay mahigit 3.6 milyon Pilipino ang may problema sa mental health bunsod na rin ng tinatawag na “pandemic fatigue”.