4 bata nalunod sa Bataan

APAT na bata, na may edad 11 hanggang 13, ang nalunod habang nagsu-swimming sa ilog sa bayan ng Hermosa kahapon.

Ayon sa pulisya, kabilang sa mga nalunod ang 12-anyos na kambal, kanilang ate at isang kalaro, pawang taga-Brgy Almacen.

Narekober ang katawan ng apat ilang oras matapos ang insidente.