LIBO-LIBONG sako ng asukal ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) matapos salakayin ang isang warehouse sa Clark, Pampanga.
Isinagawa ang raid sa Lison Building kung saan matatagpuan ang New Public Market sa Barangay Del Pilar.
Ito’y sa harap ng panawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na ipag-utos na i- raid ang mga bodega na nagtatago ng mga asukal.
Nadiskubre ng mga miyembro ng BOC ang libo-libong asukal na inimport galing Thailand.
Bukod dito, nakumpiska rin ang daang-daang mga asukal sa mga delivery van.
Isang Chinese-Filipino na nagngangalang Jimmy Ng ang nagmamay-ari ng warehouse.
Nakumpiska rin ang mga sako ng corn starch mula sa China, mga sako ng harina, plastic products, langis na nasa plastic barrels, motorcycle parts, wheels, helmets, LED Televisions sets at pintura.
Binigyan ng 15 araw ang mga may-ari ng bodega para makapagpresinta ng mga dokumento na legal ang pagpasok ng mga produkto sa bansa.
Nahaharap naman sila ng kaso smuggling sakaling mabigong magbigay ng mga dokumento.