AJ Raval hinangaan sa paghawak ng balisong

NA-IMPRESS nang husto ang direktor na si Roman Perez Jr. sa stunts na ginawa ng sexy actress na si AJ Raval para sa pelikula nilang “Sitio Diablo” ng Vivamax.

Ayon kay Perez, parang eksperto rin si AJ sa paghawak ng balisong.

“Ang galing na niyang humawak ng balisong. Nakaka-proud siya kasi ang daming stunts, may scenes na ang dami niyang mga kalaban, pero lahat, kinaya niya,” ani Perez sa isang panayam.

“She really prepared for this project. Nag-aral siya ng stunts, barilan, bakbakan at knife fighting,” dagdag niya.

Sinegundahan naman ito ni AJ na sinabing hindi siya nagpa-double sa mga action scenes.

“Ako mismo ang gumawa ng action scenes ko at fight routines dito. Hindi po ako nagpa-double kasi I really want to prove na kaya kong mag-action,” sey ng kontrobersyal na aktres.

Itinanggi naman ni AJ na kinarir niya ang stunts para matahimik ang isyu na buntis siya.

“Hindi ko po ginawa ito para lang sa mga naninira sa akin,” aniya.