NAGBABALA ang Social Security System sa mga employers na gawin ang kanilang mga obligasyon sa kanilang mga empleyado sa gitna ng patuloy na pananalasa ng pandemya.
Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, dapat i-remit ng mga employers ang contribution ng kanilang mga empleyado para makaiwas sa asunto na isinasaad sa mga probisyon ng Republic Act (RA) No. 11199 o andSocial Security Act of 2018.
“Although we are still coping with the financial crisis brought about by the COVID-19 pandemic, business owners are still expected to fulfill their statutory obligations to secure the welfare and interests of their workers,” pahayag ni Ignacio.
Ayon sa opisyal, marami silang natatanggap na ulat tungkol sa hindi pagre-remit ng contribution at loan payments ng kanilang mga empleyado.
“We have also been receiving reports of unposted loan payments from our employed members. However, employers have failed to submit the loan collection lists to SSS which is very important since it is the basis for the crediting of loan payments to the member’s account,” dagdag pa nito.
Sa ilalim ng RA 11199, kailangang irehistro ng mga employers ang kanilang mga negosyo sa SSS at kailangang regular na i-report ang SSS coverage ng kanilang mga empleyado sa loob ng 30 araw nang pagkakatanggap sa kanila.