TINIYAK ngayong Miyerkules ni Acting Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator David Alba na walang krisis ng asukal sa bansa, bagamat may nararanasang kakulangan ng suplay para sa mga soft drink manufacturers.
“Well, there is a tightness, but we don’t think it’s a crisis because we still have stocks in the shelves to buy sugar,” Alba said.
Idinagdag ni Alba na sapat ang suplay sa raw sugar bagamat may pangangailangan para sa premium refined bottler grade sugar na ginagamit para sa paggawa ng soft drinks.
“Malacanang is right in saying there is artificial shortage,” ayon pa kay Alba.
Bagamat umaabot na sa P70 kada kilo ang presyo ng refined sugar sa mga supermarket, umaabot pa rin sa P100 kada kilo ang ibibentang putting asukal sa mga palengke. (30)