Special pass di kailangan sa bagong curfew hours

HINDI na kailangan pa ng special pass o ID ng mga manggagawa para sa unified curfew hours sa Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, kapag sinita ng otoridad ay maaari nilang ipakita ang company ID bilang patunay ng oras ng trabaho.
Simula sa Lunes ay ipatutupad ang unified curfew hours na mula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.