BALAK i-regulate ng Commission on Elections (Comelec) ang paggamit sa mga social media influencer at content creators ng mga politikong tatakbo sa darating na eleksyon.
Ayon kay Comelec chairperson George Garcia imomonitor nila ang partisipasyon ng mga influencers na gagamitin sa kampanya ng mga kandidato sa 2025 elections.
“What shall we do with social media influencers, the content creators hired by candidates? That is where we want to establish some form of regulation by the Commission,” ayon kay Garcia.
Isa anya sa kanilang babantayan ay ang mga expenses at kung magkano ang mga ibinabayad sa kanila.
Balak din nilang makipag-usap sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para silipin ang kanilang kita at kung nagbabayad ba sila ng tax.
“During the campaign, these social media influencers get paid a huge sum but are not subjected to taxes. These influencers must be taxed,” pahayag pa ni Garcia.
“Once you hire a celebrity or a known singer or a popular personality during the campaigns, the payment must be reported to us,” hirit pa nito.