IKINUKONSIDERA ng United Kingdom at ng Australia ang pag ban sa mga batang edad 16 pababa sa social media.
Sa UK, sinabi ni Technology Secretary Peter Kyle na ang gagawing hakbang ay para matiyak ang seguridad ng mga bata online.
Ginawa ni Kyle ang anunsyo matapos i-eksamin ng pamahalaan ang epekto ng teknolohiya, kabilang na ang smartphones at social media, sa mga kabataan.
Sa Australia, may panukalang batas na isusulong para ipatupad ang social media ban na siya umanong solusyon para matugunan ang lumalalang kasong pang-aabuso sa mga bata sa online.
Ayon kay Communications Minister Michelle Rowland two-thirds ng mga teens sa pagitan ng 14 at 17 ang nakaka-encounter ng mga nakapipinsalang content sa online.
Sakop ng isinusulong na batas ang mga social media platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok at Snapchat.