PINAYUHAN ng isang neurology expert ang mga magulang na huwag pakaininin ng sobrang matatamis na pagkain ang mga anak dahil makaaapekto ito sa learning ability at intelligence ng mga bata.
“Make sure to reduce sugar levels among infants and young children as it has been shown too much and prolonged intake of sugar affect learning ability and memory,” ani Dr. Michelle Sy, isang child neurology specialist, sa media forum ng Department of Health (DOH).
Inihayag ni Sy na mas mabuti ang brain development ng mga bata na may higher-quality diet kumpara doon sa mga pinakakain ng matatamis at unhealthy ang diet.
“Since 90 percent of brain development happens in the first year of life, breastfeeding and nutritious food are important in reaching the maximum level of brain development,” giit niya.
Mahalaga rin, dagdag ni Sy, ang ehersisyo para sa brain development ng mga bata.
“Many parents are not aware that the human brain quickly develops at the age of two to three years,” pahayag niya.
Pinayuhan din ng dalubhasa ang mga magulang na limitahan ang panonood ng mga bata dahil makaapekto ito sa kanilang brain development.
“The problem is that the areas of the brain that need to develop are not used because the images on the screen are changing so fast,” sabi niya.