NILINAW ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ang makapal na smog na bumalot sa Metro Manila ngayong Biyernes ay hindi dulot ng Taal Vocano.
Gayunman, binalaan ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang paglabas at panatiliin ang pagsusuot ng mask upang makaiwas sa masamang epekto ng smog.
Ayon sa Phivolcs na nadetect ang makapal na volcanic smog o vog dulot ng sulfur dioxide emission mula sa bulkan na patungong kanluran-timogkanluran ng Taal, ibig sabihin ay papalayo sa Metro Manila.
Ang makapal na smog na nararanasan sa Kamaynilaan ay smog na mula sa “small particles trapped close to the surface due to the presence of a thermal inversion, high humidity, and calm wind conditions.”
“These floating minute particles in the air could be from smoke, pollutants, or volcanic aerosols,” ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi naman ng Department of Environment and Natural Resources’ (DENR) Environmental Management Bureau na ang air quality sa Makati ay “acutely unhealthy,” samantala sa Pateros ay “very unhealthy” at sa Paranaque naman ay “unhealthy for sensitive groups.”