Sinong pinatututsadahan ni Vice?

PINAGPIPIYESTAHAN ng netizens ang meme na ipinost ni host-comedian Vice Ganda sa X/Twitter ukol sa kanyang bashers.


Sa meme, na nilagyan ni Vice ng caption na “Bwak bwak bwak bwak,” makikita ang dalawang tila-aliens na nag-uusap.


Alien 1: Nanggigigil ako! Pinagpala na naman siya! Kumilos tayo! Daliiiii!
Alien 2: Dating gawi ‘Nay siraan natin sya. Walang kakalma kahit Semana Santa!


Sinakyan naman ng mga fans ang trip ni Meme Vice.


“Kulang na kasi sa pansin ang dalawang matandang aso kaya nagpapapansin at nagpapaviral para maging sikat. Hahahah. Bwak bwak bwak bwak.”
“Ano ba yan nakakatakot. May palaspas ba tayo?”
“Make them mad and if they say anything defamatory against you, slap them with a complaint nang masampolan ulit yang bias marites na yan.”
“Madedemanda ka dyan meme kamukhang kamukha eh.”
“Hahahahah bubula nanaman bibig nung dalawa baka pumutok pa mata at tenga nun hahahahaha.”
“Hahaha. Putak kasi nang putak mga delulu mga walang ambag kundi tsismis at manira ng kapwa. Bwak bwak bwak!”