PINASALAMATAN ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga guro na malaki ang ginampanan sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan.
Inihayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles ang pagkilala kasabay sa pagdiriwang ng World at National Teacher’s Day ngayong araw, Oktubre 5.
Kinilala ni Valles ang bawat sakripisyo ng mga guro upang hubugin ang kabataan para sa mas maayos at maunlad na pamayanan.
“Today we celebrate National Teachers’ Day. As a people we show our sincere gratitude and appreciation in a very special way today to our teachers for their constant sacrifice and dedication in fulfilling their very crucial role in our society – the educational formation of our young people,” ani Valles.
Bilang pakikiisa sa mga guro, nag-alay ng panalangin sa banal na misa sa mga simbahan nitong Linggo, Oktubre 3, para sa patuloy na paggabay at kaligtasan ng bawat guro sa bansa.