John Lapus: Digong inaakay na parang zombie; netizens sumabog sa galit

BINAGYO ng puna ang komedyanteng si John Lapus makaraan nitong “ipagdasal” ang Pilipinas dahil humihina na ang katawan ni Pangulong Duterte.

Sa Twitter, sinabi ni Lapus na, “Diyos ko Lord! Tulungan n’yo po kami. Pangulo namin inaakay na.”

Hindi pa nakuntento si Lapus at sa tweet ni Pinoy Ako Blog ukol kay Vice President Leni Robredo ay nagkomento ito na “hindi inaakay na parang zombie” ang bise presidente.

“Yes watch mo yung sinamahan yung alalay mag-file,” dagdag ni Lapus na ang pinatutungkulan pa rin ay si Duterte na kasama ni Sen. Bong Go nang maghain ng kandidatura ang huli para sa pagkabise presidente nitong Sabado.

Hindi naman pinalagpas ng mga tagasuporta ni Duterte ang mga sinabi ng komedyante.

“HuwAaaaw! Buti pa nga c PRRD nka abut pa sa ganyan edad eh ikaw kaya?goodluck sayo sana lng may umalalay malas mo lng kung wala.”

‘Kung hindi mo gusto ang isang tao, much better manahimik na lang. Ang pagtawanan ang kalagayan ng Pangulo in his age ay hindi biro. Baka pagtanda mo walang umakay sayo.”

“Hayaan john lapus mauuna kpa sa pangulo ikaw aakayin k sa sementeryo.”

“Katulad ni noynoy d nga inaakay pero nauna pa kay tatay digs mag rest in peace.”

“Whats d point John Lapuz???ung kinoronahang Miss world Philippines natulog nga sa hagdan bata pa yun…d nmn cguro masama lalayan ang presidente lalo na’t may edad na?..pero kht ganyn na gumagana pa rin ang utak mas..mas matalino pa rin kesa sa inyo,..bitter lng ang baklang ito.”