Bahagyang lumakas at bumilis ang bagyong Betty patungong timogkanlurang katubigan ng silangang bahagi ng Cagayan, dahilan para itaas ng weather bureau sa Tropical Cyclone Wind Singal No. 2 ang ilang bahagi ng bansa.
Sa 5a.m. bulletin ng PAGASA, sinabi nito na namataan ang bagyo 525 km silangang bahagi ng Aparri, Cagayan taglay ang lakas ng hangin na 155 kph sa gitna at may pagbugsong aabot sa 190 kph sa bilis na 20 kph patunong timogkanluran.
Itinaas ang Tropical cyclone wind signal no. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- Batanes
- the eastern portion of Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Didicas Is., Pamuktan Is.)
- the northeastern portion of mainland Cagayan (Santa Ana)
Tropical cyclone wind signal no. 1 ay patuloy na nakataas sa:
- The rest of Babuyan Islands
- the rest of mainland Cagayan
- Isabela
- Quirino
- the northeastern portion of Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Ilocos Norte
- the northern and central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
- Polillo Islands
- the northern portion of Catanduanes (Caramoran, Viga, Gigmoto, Panganiban, Bagamanoc, Pandan)
- the northeastern portion of Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma)
- the northern portion of Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)
Inaasahan na bahagyang babagal ang pagkilos ni “Betty” ngayong Lunes at maaaring maging stationary mula sa Martes hanggang Miyerkules habang nasa silangang bahagi ng katubigan ng Batanes.
Posible rin, ayon pa sa PAGASA, na kumilos ito pa timog-timogsilangang o timog-kanluran Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes patungong Taiwan.
Lalabas si “Betty” sa teritorya ng Pilipinas Biyernes.