Shiela Guo inilipat na sa Senado

NASA kustodiya na ng Senado si Shiela Guo, ang kapatid ng sinibak na mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.

Dumating sa Senado si Sheila alas 12:29 ng tanghali nitong Lunes matapos madetene sa National Bureau of Investigation (NBI).

Sumailalim si Sheila sa invesntory at medical checkup pagkadating na pagkadating nito sa Senado.

Haharap si Sheila sa pagdinig ng Senado sa Martes kung saan inaasahan siyang idedetalye kung paano sila nakalabas ng bansa ng kapatid na si Alice sa kabila ng lookout order at arrest warrant na inilabas laban sa kanila.

Kasama ni Sheila si Cassandra Ong na ibinalik sa Pilipinas matapos silang arestuhin sa Indonesia noong Agosto 20.