Sharon ‘di makahinga,’ nag-abroad

NANGIBANG-BANSA kahapon si Megastar Sharon Cuneta nang hindi kasama ang kanyang pamilya dahil “kailangan niyang makahinga.”


Sa Instagram, ipinost ni Sharon ang mga pictures nang pamamaalam niya sa asawang si Sen. Francis Pangilinan at sa tatlo nilang anak.


“Praying and saying bye to my family,” caption niya sa mga larawan.


Sa hiwalay na post, ibinahagi ni Sharon ang mga picture ng kanyang passport at pagsusuot ng protective gear kontra-Covid-19.


Aniya: “I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are.

But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents.”


Hindi naman niya sinabi kung saan siya pupunta, kung gaano katagal ang ilalagi niya room at ang dahilan ng kanyang pag-alis.


“I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys,” sey pa niya.