UUMPISAHAN na sa Mayo 13 ang pamamahagi ng allowance para sa mga senior citizens sa Maynila.
Ayon kay Mayor Honey Lacuna, tatanggap ng tig-P2,000 allowance ang mga senior citizens sa lungsod at sisimulan ang payout sa susunod na linggo.
Naglabas na rin anya ng memorandum ang city hall para sa 896 barangay officials para sa guidelines para sa pamamahagi ng allowance.
Ayon kay Lacuna, ang schedule ng payout ng lahat ng allowance para sa senior citizens ay makikita sa official Facebook page ng lungsod.
Ayon naman sa Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) na pinamumunuan ni Elinor Jacinto, aabot sa 180,000 senior citizens sa lungsod ang makikinabang sa allowance.
Ipinaliwanag ni Jacinto na sa ilalim ng social amelioration program, bawat senior citizen ay tatanggap ng P500 monthly allowance, at ang P2,000 ay sumasakaop sa buwan ng Enero hanggang Abril. (Jerry Tan)