Senado nag-adjourn; impeachment vs Sara di tinalakay

PORMAL nang nag-adjourn Miyerkules ng hapon ang Senado nang hindi tinalakay ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na isinumite sa kanila ng House of Representatives.

Tinanggap ng Senado ang Articles of Impeachment alas 5:49 ng hapon.

Hindi umano ito naireport sa plenaryo bago ito mag-adjourn bago mag-alas-7 ng gabi.

Ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi umano naireport ni Bantug ang pagkakatanggap niya nito.

Babalik ang Senado matapos ang legislative break sa Hunyo 2.

Sa kabila nito, sinabi ni Pimentel na posible pa rin anyang matalakay ang impeachment kahit naka-break pa ang Senado.