HINDI dumalo sa pagdinig ng Senado nitong Martes si Maj. Allan de Castro, ang prime suspek sa pagkawala ng beauty contestant na si Catherine Camilon.
Ayon sa abogado ni de Castro, hindi nakadalo ang opisyal sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order dahil abala ito sa pag-aalaga sa asawang buntis.
Matatandaang iniulat na nawawala ng kanyang pamilya si Camilon, kandidata sa Miss Grand Philippines 2023, noong Oktubre 17.
Huli siyang nakita Oktubre 12.
Nauna nang kinumpirma ni de Castro na mayroon silang relasyon ni Camilon subalit tikom ang kanyang bibig sa pagkawala nito.
Ayon sa PNP Internal Affairs Service, nahaharap ang pulis sa kasong conduct unbecoming of a police officer.
Maliban kay de Castro, suspek din sa kaso ang kanyang driver at dalawang iba pa. Tinanggal sa serbisyo si de Castro makaraang palayain sa restrictive custody sa Camp Vicente Lim noong Enero 16.