NAKATAKDANG parangalan ng Philippine National Police si Jeneven Bandiala, ang security guard ng Ateneo de Manila University (AdMU) na nasawi sa pagtatangkang hadlangan ang pamamaril ni Dr. Chao Tiao Yumol sa loob ng campus noong Hulyo 24.
Sa isang kalatas, sinabi ni Maj. Gen. Valeriano de Leon, PNP director for operations, na nakikipag-coordinate na ang Civil Security Group sa pamilya ni Bandiala para sa gagawing pagbibigay sa nasawi ng Medalya ng Katangitanging Asal (PNP Outstanding Conduct Medal).
“Security guard Jeneven Bandiala deserves this honor for the heroism he showed in safeguarding students and other individuals on campus and for supporting the PNP in bringing justice by attempting to stop the gunman from escaping,” ayon kay De Leon.
“This heroic gesture cost him his life, but his bravery will be remembered forever and serve as an inspiration to his fellow security guards. He illustrated what bravery and dedication to one’s vocation truly entail,” dagdag pa nito.
Nakatakda ring bigyan ng financial aid mula sa PNP ang pamilya ng 35-anyos na security guard. Ang pulisya na rin ang gagastos sa paglilipat ng mga labi ni Bandiala pauwi sa kaniyang tahanan sa Lopez Jaena sa Misamis Occidental.
Napatay si Bandiala nang harangin nito si Yumol na makatakas matapos barilin ng huli ang dating mayor ng Lamitan City na si Rosita Furigay at aide nitong si Victor Capistrano.