HANDA na ang lahat para sa panunumpa ni Davao City Mayor Sara Duterte ngayong Linggo bilang ika-15 bise presidente ng bansa.
Pangungunahan ni Associate Justice Ramon Paul Hernando ang panunumpa ni Sara sa harap ng Davao City Hall. Si Hernando na kanyang naging propesor sa law school sa San Sebastian College, ayon kay Sara, ay mahigit 10 taon na niyang naging kaibigan.
Gagawin ang inagurasyon alas-3 ng hapon. Isang stage ang itinayo sa junction ng Bolton at San Pedro streets, sa harap ng City Hall. Inaasahan na dadaluhan ito ng may 25,000 katao na pangungunahan mismo ni Pangulong Duterte at ng first family.
Inaasahang dadalo rin si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Samantala, nagpaliwanag naman si Sara kung bakit sa Davao City siya manunumpa. Anya, ito ay bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga Davaoeño na naniwala at nagtiwala sa kanya mula nang magsimula siya sa politika noong 2017.
“I thank all the people of Davao because they mold me as a public servant. They taught me how to prolong my patience. I thank them for their support and for believing in me (from) 2007 until 2016,” ayon kay Sara.
“My heart is full because I am with the people of Davao,” dagdag pa nito.