NIRATSADAHAN ni Vice President Sara Duterte ang mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) dahil sa ginagawa umano nitong “pa-victim”, at hinamon na kondenahin ang ginawang pag-atake ng NPA sa Masbate kamakailan.
Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos siyang akusahan red-tag nang sabihin niyang “unrealistic at imposible” ang mga hinaing ng grupo.
“Part of its deceptive tactic when stripped down of its intentions — with its real political agenda exposed to the public — is to conveniently hide under the blanket of red-tagging,” puna ni Duterte.
“ACT Teachers should stop dropping the victim card around the table whenever they are exposed as sympathizers and supporters of the NPA, the Communist Party of the Philippines, and the National Democratic Front of the Philippines,” dagdag pa nito.
“The real victims here are the learners, and the Department of Education is pouring in all our efforts to solve the problem,” anya pa.
Una nang nanawagan ang ACT sa Department of Education (DepEd) na mag-hire ng 30,000 guro at maglaan ng P100 bilyong pondo para sa pagpapatayo ng classroom kada taon, na sinagot naman ni Duterte na hindi napapanahon ang ginawang paghirit ng grupo.
Anya, isang diversionary tactic ang naging pahayag ng grupo upang pagtakpan ang nangyaring pag-atake ng NPA sa Masbate kamakailan na ang matinding naapektuhan ay ang mga mag-aaral sa nasabing lugar.