Sapul sa live: Rapper Tipsy D timbog sa illegal raffle

DINAMPOT ng pulisya ang FlipTop rapper na si Tipsy D habang nagpapa-raffle nang live sa Facebook kamakailan.

Armado ng search warrant, sinalakay ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang studio ni Tipsy D sa Balanga, Bataan habang nasa aktong bumubunot ng winning numbers ang rapper.

Isang brand-new SUV ang premyo sa raffle.

Maliban kay Tipsy D, nasakote rin ang walo pang kasamahan nito.

Napag-alaman ng PUBLIKO na inaresto ang rapper base sa reklamo ng Philippine Gaming Corporation (Pagcor).

Wala umanong lisensya mula sa Pagcor ang grupo ni Tipsy D upang magpa-raffle nang live sa Facebook, na isang uri ng online game.