Saksak ibinayad sa utang

SINAKSAK at napatay ang lalaki na naniningil ng utang sa kapitbahay sa loob ng isang barangay hall sa Malinao, Aklan.

Ayon sa ulat, nakaupo ang hindi kinilalang biktima sa loob ng barangay habang hinihintay ang nangutang sa kanya ng P2,000.

Nang makita ang nangutang ay siningil niya ito.

Pero imbes na magbayad ay bumunot ng patalim ang suspek at inundayan ng mga saksak ang biktima.

Nang duguang humandusay sa sahig ang biktima ay tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

Agad namang nasakote ang suspek ng mga tumutigis na pulis.

Inihahanda na ang reklamo laban sa salarin.