Rosmar binatikos sa maling paggamit ng tongs

INULAN ng puna ang entrepreneur at social media personality na si Rosmar Tan-Pamulaklakin sa paggamit nito ng iisang tongs o sipit sa pagkuha sa mga hilaw na karne, lutong ulam at mga prutas.

Sa video na ibinahagi niya sa kanyang social media platforms, inanunsyo ni Rosmar ang pagbubukas ng bago niyang samgyupsal restaurant sa kanyang R Mansion Tagaytay Resort.

Para ipakita ang mga inahahain niyang pagkain, inisang-isang buksan ni Rosmar ang mga container.

Hawak ang isang tongs, kumuha siya ng mga hilaw na pork at beef strips at inilagay sa mga plastik na mangkok.  

Ang nasabi ring tongs ang ginamit niya sa pagkuha ng fried chicken, isaw, tenga ng baboy, pancit, adobo, mais, pakwan, at lettuce.

Nagtataka naman ang mga netizens kung bakit hindi pinalitan ni Rosmar ang ginagamit na sipit gayung may mga tongs sa harapan ng mga container.

Kaya ang nag-iisang komento ng publiko: “Cross contamination sa tongs.”

“Parang early to magsasara 😂 cross contamination malas.”

“Yes.. cross contamination ang peg.”

“Tong sa karne, tong rin sa prutas.” “Unli cross contamination 😂😂😂😂level up na.”

“Pakwan with meat juice. yum.” “Tong for all season.”