Resulta ng tripartite summit: Pinoy students ite-train ng US, Japan sa semiconductor.

ISANG world-class training sa semiconductor ang planong ibigay ng US at Japan sa mga Pilipinong mag-aaral upang mahasa ang mga ito sa makabagong teknolohiya.


Sa ilalim ng plano, sasanayin ang mga mag-aaral sa mga unibersidad sa US at Japan. Gagamitin naman ng mga ito ang natutuhan sa mga industriya sa Pilipinas at sa dalawang bansa na may kinalaman sa teknolohiya.


“We intend to pursue a new semiconductor workforce development initiative, through which students from the Philippines will receive world-class training at leading American and Japanese universities, to help secure our nations’ semiconductor supply chains,” ayon joint vision statement.


Para lalong mahasa ang talino ng mga Pilipino, paghahatian ng US at Japan ang $8 milyon para sa Open Radio Access Network field trials at Open RAN academy na bubuksan sa Maynila.


Layon nito, dagdag ng kalatas, na mabuksan ang commercial deployment para sa ligtas, maaasahan at mapagkakatiwalaang information communications technology ecosystem sa Pilipinas.