Rep. Fernandez: Misis ni Harry Roque ‘tumakas’

NILAYASAN na ng misis ni dating Presidential Spokesperosn Harry Roque na si Mylah ang Pilipinas, ayon kay Laguna Rep. Dan Fernandez.

“Unfortunately, wala na sila. They evaded the hearing. As a matter of fact, I think she went out of the country prior to us asking her those certifications coming from the hospital,” ayon kay Fernandez sa panayam sa kanya ng ANC.

Una nang pinaaresto ng Quad committee ng Kamara si Mylah dahil sa pag-iwas nitong dumalo sa mga pagdinig ng komite na may kinalaman sa diumano’y partisipasyon niya at ng mister sa ilegal activities ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

Hinihimay ngayon ng komite ang diumano’y biglang pagtaas ng yaman ng mag-asawa.

Itinanggi ni Mylah na umiiwas siya sa pagdinig ng komite at sinabing palagi siyang nagko-comply sa mga nais nito.

Ayonkay Hernandez, posible umanong nasa Singapore o Malaysia si Mylah.

Samantala, patuloy rin ang pagtatago ni Harry Roque na una na ring pinaaresto ng komite dahil sa pagtanggi sa mga hinihiling nitong mga dokumento mula sa kanya.