Rendon tagumpay; balik uli sa Facebook

BUHAY na naman sa Facebook si Rendon Labador.

Inanunsyo ngayong umaga ng Sabado ng controversial motivational speaker na naibalik na ang na-ban niyang Facebook account.

Sa Instagram, ibinandera ni Rendon ang screenshots ng mga mensahe sa kanya ng Facebook.

Ayon sa Facebook, walang na-violate na Community Standards ang social media personality.

“Your page is back on Facebook…Your appeal was reviewed and your Page does follow does follow our Community Standards for Misrepresentation.”

Nagsori rin ang Facebook sa pagbura nito sa account ni Rendon.

“We’re sorry for any inconvenience our initial decision may have caused. We know it may have been upsetting when your Page was removed,” ayon dito.

Sa isa pang mensahe, sinabi ng Facebook na,

“no issues” ang page ni Rendon.

Dahil sa development, ang tanging nasabi ni Rendon: “The advocacy continues…Get ready for the comeback. #staymotivated.”

Naibalik kay Rendon ang kanyang Facebook page isang araw makaraan siyang humingi ng dispensa sa mga celebrities na binash niya, gaya nina Michael V at mag-asawang Vice Ganda at Ion Perez.