FAKE news ang sinasabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na uuwi na sa bansa ngayong araw ang suspendidong si Negros Orienta Rep. Arnolfo Teves.
Mismong si Teves na ang nagpasubali sa naunang pag-anunsyo ni Remulla na malamang ay dumating na sa bansa ang kongresista.
“Sana tinanong muna nila ako bago sila nagbitaw ng salita,” pahayag ni Teves nang makapanayam ng CNN Philippines.
Si Teves ang tinutukoy na mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at ilang iba pa noong Marcos.
Mariin namang itinatanggi ni Teves ang akusasyon.
Kamakailan ay umapela si Pangulong Bongbong Marcos kay Teves na bumalik na sa bansa at harapin ang mga ibinibintang sa kanya matapos tanggihan ng Timor-Leste ang hiling ng kongresista na bigyan sya ng political asylum sa nasabing bansa.