HINDI na mapipigilan at tuloy-tuloy na nga ang dagdag na singil sa premium contribution ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na kumikita ng P10,000 hanggang P100,000 kada buwan.
Mula sa dating 4 percent a magiging 5 percent na ang magiging kontribusyon ng mga PhilHealth members upang matugunan ang kakailanganing pondo ng ahensiya para sa mga magagandang pagbabago ng mga benepisyo para sa mga miyembro.
Ayon kay PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr., ang dagdag singil sa premium ay batay sa ipinaiiral na Universal Health Care (UHC) law.
“Kailangan natin ng pondo para matugunan ang ating mga nasimulang magagandang pagbabago sa mga benepisyo ng PhilHealth,” ayon kay Ledesma.
“As provided for in Section 10 of Republic Act 11223, or the UHC Act, PhilHealth’s [to] implement the last adjustment of premium contributions for the five percent contribution rate and income ceiling of hundred thousand this year,” dagdag pa nito.