NAGHAIN ng resolusyon si Sen. Robin Padilla na naglalayong kilalalin ang kabayanihan ng aktor na si Gerald Anderson noong kasagsagan ng bagyong Carina.
Sa kanyang panukala, itinulak rin ni Robin ang one-rank promotion kay Gerald na isang reservist ng Philippine Coast Guard (PCG) na may ranggo na auxiliary lieutenant commander.
“Mr. Anderson’s selflessness and willingness to place other’s needs above his own safety serve as an inspiration to our countrymen. His actions demonstrated the true embodiment of a reservist, which is to support and complement the active force when circumstances called for,” ayon sa senador.
Matatandaan na lumangoy sa baha si Gerald para sagipin ang mga na-trap na residente sa Brgy Sto. Domingo sa Quezon City, na isa sa mga nalubog na lugar sa Metro Manila noong kasagsagan ng bagyong Carina at habagat.
“It must be recalled that the actor’s heroic deeds and compassion in times of disasters during the onslaught of Typhoon Ondot in 2009, which also caused extensive flooding in Metro Manila and nearby provinces, were similarly recognized,” dagdag ng senador.
“Mr, Anderson also showcased the core values of PCG as first responders in the face of calamities, which only merits recognition and corresponding promotion in service,” ayon pa rito.
Napag-alaman na matapos ang ginawang pagre-rescue ni Gerald ay nagkasakit umano ito kaya nagpatingin sa St. Luke’s Medical Center kasama ang girlfriend na si Julia Barretto.