UPANG matiyak na hindi kukulangin ng sasakyan ngayong pagbubukas ng klase, pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na huwag isali ang mga sasakyang pampubliko sa number coding.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng MMDA ang mga PUV drivers na huhulihin pa rin sila para sa ibang violations.
Nauna nang hiniling ng Department of Transportation and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang MMDA na i-suspend ang number coding at no-contact apprehension program para mas maraming PUV ang makabiyahe para sa pagbubukas ng klase.
Matatandaan na nag-isyu ang LTFRB ng Memorandum Circular No. 2022-067 and 2022-068 para sa pagbubukas ng 33 bagong ruta para sa mga bus, at 68 naman para sa jeep at 32 sa UV express.
Bibigyan ang mga PUV ng mga special permit para makabiyahe sa mga rutang ito.