Publiko naaliw sa pagho-host ni Alden sa Miss Universe PH

HINDI agad naka-move on ang mga netizens sa ipinakitang energy ni Alden Richards sa pagho-host sa Miss Universe Philippines na ginanap Miyerkules ng gabi sa MOA Arena.

Sa taas ng energy ni Alden nang inanunsiyo ang mga pangalan ng kandidatang pasok sa top 20 at top 5, hindi napigilan ng mga netizens na magbiro kung galit ba ang Kapuso actor.

“Hala! Lagot kayo galit na si koya!”

“Alden kalma.”

“Para intense hahaha.”

“Ginagalit niyo si alden e nyahahaha.”

“O ayan sinigawan kayo ni Alden hahahaha.”

“Natawa ako ang kulet.. pampagising.”

Katwiran ng ilang Alden supporters, kailangang nitong lakasan ang boses dahil sa ingay ng audience.

“Kasi nung last time na bash sya na wala daw energy daw,” sey ng isang fan.

“Alden was just encouraging the crowd to be enthusiastic and it might looked like he was mad while doing it to some viewers.

But he looks so good while shouting. So handsome!” sabi ng isa pa.