SINABI ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mga mangingisda at magsasaka ang pinakamahihirap na sektor noong 2021.
“These sectors had the highest proportion of individuals belonging to families with income below the official poverty thresholds compared to the other basic sectors,” sabi ng PSA.
Ayon pa sa PSA, umabot sa 30.6 porsiyento ang kahirapan sa mga mangingisda, 30 porsiyento naman sa mga magsasaka, 26.4 porsiyento ang kanilang mga anak at mga nakatira sa mga kanayunan, 25.7 porsiyento. Ayon sa PSA ang mga sektor na nabanggit ang siya ring may pinakamataas na insidente kahirapan noong 2015 at 2018.